Bata pa lamang ay pangarap nang maging pulis ni Jeric Dupitas ng San Jose City Nueva Ecija.

Pang anim siya sa walong magkakapatid.

Kahit mahirap ang buhay itinaguyod sila ng kanilang mga magulang na makapag-aral.

Ang kanyang nanay ay nagtatrabaho bilang Domestic Helper sa ibang bansa.

Subalit isang malaking pagsubok ang dumating sa kanilang buhay nang pumanaw ang kanilang tatay sa sakit na cancer. Kaya napilitan si Jeric na huminto muna sa kanyang pag-aaral para bigyan muna ng pagkakataon na makapag-aral ang kanyang kapatid sa Kolehiyo.

Namasukan ito bilang massenger reliever para makatulong sa pamilya.

Nang maka graduate ang kanyang kapatid ay nag pursige naring mag-aral si Jeric.

Nang mabalitaan sa kanyang kaibigan na may scholarship program ang pamahalaang panlalawigan at may Libreng dormitoryo para sa mga estudyante ay nag-apply siya.

Malaking tulong umano ang Libreng Dormitoryo para sa kanilang mga taga malayo para may matutuluyan sila habang nag-aaral na walang intindihin na babayaran buwan-buwan.

Kwento ni Jeric, buong tapang niyang hinarap ang mga pagsubok dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang magulang at sabay silang nag-aaral ng iba pa niyang kapatid na noon ay nasa highschool pa lamang.

Laking pasasalamat ng binata sa pagkakataong ibinigay ni Gov. Oyie at ng Bise Gobernador Doc Anthony Umali na maabot ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo para maging pulis.