DBM SEC. AMENAH PANGANDAMAN, KINILALA BILANG ANAK NG NUEVA ECIJA
Maituturing nang kapatid ng mamamayang Novo Ecijano si Department of Budget and Management Secretary Amenah F. Pangandaman.
Matapos pagtibayin sa 38th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 556 series of 2023 na nagtuturing kay DBM Secretary Pangandaman bilang “Adopted Daughter of Nueva Ecija” o anak ng Nueva Ecija ay pormal nang iginawad ni Governor Aurelio Umali ang pagkilala sa kalihim noong Biyernes, September 29, 2023.
Ang rekognisyon ay tanda ng pasasalamat ng probinsya sa kanyang kahanga-hangang pamumuno sa pagtataguyod ng mga reporma sa badyet, mabuting pamamahala, transparency sa pananalapi, at pananagutan na may malaking epekto sa ating bansa at sa mga komunidad nito, kabilang ang Nueva Ecija.
Ayon kay Acting Budget Officer Billy Jay Guansing, kinikilala ni Governor Oyie at maging ng lalawigan ang malaking tulong ng kalihim para sa mga programa para sa mga Novo Ecijano, partikular na sa sektor ng agrikultura at mga imprastraktura.
Ito ay pasasalamat sa mga naitulong nang mga programa at proyekto para sa probinsya at sa mga darating pang tulong at suporta para sa mamamayang Novo Ecijano.

