DEAF MINISTRY, ISINUSULONG NG ISANG PASTOR

Ibinahagi ni Pastor Fernando Lausa ang kanyang mga karanasan at biyaya sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.

Nagsimula umano ang paglilingkod niya Sa Panginoon noong dumalo siya sa isang Youth Conference sa Cebu taong 1982, kung saan nagsimula ang kanyang gawain at nagtrabaho bilang Associate Pastor sa Davao City sa loob ng isang taon.

Pagtulong sa mga may kapansanan partikular na sa mga deaf ang isinusulong ni Pastor Fernando, kaya ang “Deaf Ministry” ang napili niyang Ministry.

Noong simula ay hindi aniya alam ni Pastor kung bakit ito ang napili niyang ministry, ngunit naramdaman niyang ito ang inilagay Ng Panginoon sa kanyang puso at ito rin ang purpose niya.

Kwento rin ni Pastor Fernando, lumaki sa church ang kanyang mga anak kaya masaya siya na katuwang ang buong pamilya sa ministry.

Itinuturing din ni Pastor bilang kasiyahan ang makakita ng mga taong nababago ang buhay, kaya naman nagbigay din siya ng livelihood program para sa mga deaf sa kanilang ministry.

Sa kasalukuyan, ay mayroon silang livelihood program na paggawa ng ‘bangus shanghai lumpia’ at ang pagiging staff sa transient house sa Baguio City, na nakakatulong sa mga deaf person, sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng mapagkukuhanan ng pagkain at pagkakaroon din ng monthly honorarium mula sa kinikita ng programa.