DEFENSE COOPERATION NG PILIPINAS AT JAPAN, MAS PALALAKASIN

Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) na nagpapahintulot sa mga sundalong Hapon na pumasok sa bansa at ng mga sundalong Pilipino sa Japan para sa joint military trainings.

Ang pagsasanib pwersa ng pagsasanay na gaganapin sa Japan ay naglalayong mas palakasin pa ang defense cooperation ng dalawang bansa.

Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang seremonya ng pagpirma sa RAA nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko.

Ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang kasiyahan sa naganap na pagpirma at kanya ring kinalala ang pagsisikap ng magkabilang panig, na aniya’y nagbunga na.

Tinanggap ng Pilipinas at Japan ang pagsisimula ng negosasyon sa RAA noong bumisita si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Pilipinas noong Nobyembre.

Kaugnay nito, ang Official Security Assistance (OSA) na ibinigay ng Japan para sa Pilipinas ay pinirmahan noong ika-3 ng Nobyembre ng nakaraang taon sa opisyal na pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa.