Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Gov. Aurelio Umali bilang kinatawan ng Provincial Government na lumagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa pagkakaloob ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan at suportang teknikal sa Regional Wildlife Rescue Center (RWRC) ng naturang ahensya.

Ayon kay Provincial Veterinary, Dr. Jennilyn Averilla, sa pamamagitan nito, mabibigyan ng maayos na assessment ang mga hayop o species na matatagpuan sa gubat na inabanduna, kinumpiska o isiniko sa pangangalaga ng RWRC bago maibalik sa kanilang mga natural na tirahan.

Dagdag pa ni Dr. Averilla, kadalasan sa mga nare-rescue na wild animals ay ang mga lawin, kwago, at maging ang unggoy.

Layunin nito na makasiguro na maayos ang kalusugan at ligtasan ang mga hayop lalo na at in danger species na ang ilan sa mga ito.