DEPARTMENT OF AGRICULTURE, NAGSAGAWA NG ORIENTATION AT PAGLAGDA NG MOA PARA SA MGA FERTILIZER MERCHANTS NG NUEVA ECIJA

Nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa Fertilizer Discount Voucher (FDV) at paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Agriculture – Regional Field Office (DARFO) at mga fertilizer merchants ng Nueva Ecija, nitong Nobyembre 2023 para sa programang National Rice Program – Fertilizer Discount Vouchers to Rice Farmers ng Department of Agriculture.

Layunin umano ng programa na magbigay kaalaman sa mga nagtitinda ng pataba fertilizer para sa maayos na pagpapatupad ng discount voucher.

Ayon kay OPA OIC Joebeat Agliam, ang pagbibigay ng mga vouchers na nagkakahalaga ng 4,000 pesos kada ektarya ay ipapamahagi sa mga magsasaka ng palay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Maipagpapalit naman nila ang voucher sa mga accredited fertilizer merchant ng DA.

Mahalaga umano na masigurong rehistrado ang mga magsasaka sa RSBSA dahil ito ang magsisilbing patunay na pag-aari ng magsasaka ang lupa o bukid.

Kailangan din ito para maiproseso at mabigyan ng voucher bago pumunta sa mga accredited fertilizer merchant.

Ipinaliwanag din ni OIC na dadaan muna sa proseso ang mga merchants katulad ng accreditation sa DA at trainings.

Nagsimula na rin aniya ang programa ng Kapitolyo sa pangunguna at patnubay ni Provincial Governor Aurelio Matias Umali katuwang ng Kagawaran ng Agrikultura upang matulungan ang mga merchants na kumita at ang mga magsasaka na makabili ng binhing abot kaya para sa dry season ng taong 2023 – 2024.