DETALYADONG PAGSAGIP NG BUHAY, ITINURO SA MGA EMPLEYADO AT DRIVER NG BONGABON DISTRICT HOSPITAL
Nagsagawa ng Basic Life Support o (BLS) Training ang Provincial Health Office team sa Mayor’s Hall ng Municipal Hall ng Bongabon, Nueva Ecija.
Ang BLS ay isang kasanayang magagamit hindi lamang sa mga ospital kundi pati na rin sa araw-araw na pamumuhay.
Tinutukan sa pagsasanay na ito ang mga hospital staff at mga ambulance driver’s ng Bongabon District Hospital. Kung saan, tinuruan silang magbigay ng agarang lunas sa mga kritikal na pasyente, lalo na kung wala pang doktor o nurse na mag re-responde.
Isang halimbawa na dito ay kapag may biktima ng aksidente ang nawalan ng malay. Dapat umanong i-check muna ang pulso nito at kung sya ba ay humihinga pa. At kung huminto na ang paghinga nito ay kailangang magsagawa ng CPR na may tamang ritmo ng compressions sa dibdib.
Kapag naman may biglang nabulunan habang kumakain at nahirapang huminga at hindi makapagsalita, maaaring isagawa ang Heimlich maneuver. Upang magawa ito, ay yayakapin mo sa likod ang biktima, nakakuyom ang kanan na kamao, naka ibabaw naman ang kaliwang kamay at nakaabante ang isang paa para magkaroon ng balanse. At dito mo na umpisahang pigain ng pasalok ang tyan nito pataas hanggang sa mailabas na nito ang nakabara na pagkain.
Pasasalamat din ang kanyang ipinaaabot kina Governor Aurelio “Oyie” Umali, Vice Governor Doc Anthony Umali, at sa mga bumubuo ng PHO team para sa kanilang walang sawang suporta sa mga programa ng Bongabon District Hospital.

