DIONELA, GLOC-9 AT MAYONNAISE, TAMPOK SA RIZAL MUSIC FEST NG IKA-LABING DALAWANG PAGDIRIWANG NG PALAY FESTIVAL

Dose-dosenang kasiyahan ang inaabangan ngayong linggo sa Bayan ng Rizal, Nueva Ecija sa pagdiriwang ng ika- labing dalawang Palay Festival, kung saan tampok ang mga bigating OPM artists na sina Dionela, Gloc-9 at ang alternative rock band na Mayonnaise sa gaganaping Rizal Music Fest sa gabi ng April 27.

Opisyal naman na sinimulan kahapon April 24 ang ika-labing dalawang Palay Festival ng bayan ng Rizal, Nueva Ecija na may temang “Puso at Galing, Dose Dosena ang Saya”

Binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Interfaith Thanksgiving dakong 5:00 ng hapon, kasunod ang mga pampasiglang events tulad ng Tawag ng Tanghalan, Hot Mammas at Mega Dance Craze na ginanap bandang 7:30 ng gabi

Ngayong araw April 25, inaasahang mas magiging masigla ang Rizal Street Party na tampok ang kilalang OPM Band na Orange and Lemons.

Samantala, sa gabi ng April 26, tiyak na maghahatid naman ng saya ang Rizal People’s Night kasama sina Petite, Negi, Maui Taylor, at ang All- Female rock group na Rouge Band.

Ang Palay Festival ay taunang selebrasyon ng kasipagan, sining at kultura ng mga Rizaleño. Sa taong ito mas pinalawak at pinasigla ang mga aktibidad upang maipakita ang tunay na puso at galing ng bawat isa.