Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na mas palakasin ang 32 taong diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine sa naganap nilang pagpupulong sa MalacaƱang.

Nagsimula ang bilateral relations ng Pilipinas at Ukraine noong 1992.

Ikinalugod din ni Pangulong Marcos nang inihayag ni Ukrainian President na magbubukas sila ng embahada sa Pilipinas.

Nagtungo sa bansa si President Zelenskyy para sa isang araw na working visit matapos nitong dumalo sa ika-21st edition ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Pinasalamatan naman ni President Zelenskyy si Pangulong Marcos dahil sa tulong ng Pilipinas sa kanilang bansa, at nagpasalamat din siya sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbisita.

Samantala, nangako si Pangulong Marcos na patuloy na makikipag-tulungan ang Pilipinas sa Ukraine pagdating sa pagtataguyod ng kapayapaan at paghahanap ng political resolution para sa bansa.

Sinabi rin niya na patuloy na isusulong ng pamahalaan ang international rules-based order.