DISYERTO NG SAUDI ARABIA, INULAN NG SNOW
Sa kauna-unahang pagkakataon natabunan ng niyebe o snow ang karaniwang tuyo na mga bundok, mga ilog at batis na karaniwang palaging nakikita ay puro buhangin ng disyerto matapos tumama ang isang bagyo sa Saudi Arabia.
Bakit nga ba nagkaroon ng snow sa Saudi Arabia? Namangha ang mga netizen nang makita at mabalitaan na nagkaroon ng pag-ulan ng snow sa disyerto sa Saudi Arabia na pambihirang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon ng aljo kung saan ang dating mainit, mabuhangin at kulay tsokolateng tanawin ay nagbago dahil sa pag-ulan ng snow.
Ayon sa national center of United Arab Emirates meteorology ang pambihirang snowfall na ito sa disyerto ay dulot umano ng low pressure area na nagmula sa Arabian sea na nagdala ng malamig na hangin na bumangga sa matinding init ng disyerto ng rehiyon na nagdulot ng magulong panahon na naging viral sa social media ang nakikitang snow sa disyerto.
Ang pag-ulan ng yelo ay may malaking epekto sa mga tao, dahil ang malalakas na bagyong may kasamang pagkulog at pag kidlat, pagbugso ng hangin at pag-ulan ng yelo kung magpapatuloy ay posibleng magdulot ng mga pagkaantala sa paglalakbay sanhi ng mahinang visibility. Higit pang abala sa pang araw-araw na buhay ng mga tao .
Hindi pangkaraniwang pagkakataon ang pag-ulan ng yelo sa Saudi, sa Pilipinas kailan kaya uulan ng snow? Gusto nyo rin bang maranasan ang pag-ulan nito?

