DOH, KINUMPIRMA NA HINDI NAKAMAMATAY ANG MPOX VARIANT SA BANSA
Kinumpirma ng Department of Health na hindi nakamamatay ang Monkeypox variant na nasa Pilipinas na tinatawag nilang Mpox Clade II.
Sinabi ng DOH, ang Mpox virus ay may dalawang variant, ito ay ang Clade I at Clade II. Ayon sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases, lubhang mas mapaminsala ang Clade I kumpara sa Clade II na siyang kumitil ng buhay sa Democratic Republic of Congo na nagtala ng 18,910 na kaso kung saan 541 ang namatay. Habang ang kasalukuyang variant sa bansa ay ang mild Clade II at hindi nagdudulot ng fatality rate.
Noong August 26, 2024, nakapagtala ng dalawang panibagong kaso ng Mpox sa Metro Manila. Ito na ang pangalawa at pangatlong kaso ngayong taon habang labing dalawang kaso na ang nagkaroon ng naturang virus sa Pilipinas mula pa noong July 2022.
Ang mga bagong kaso ng mpox ay nagkaroon ng close at intimate contact bago nakaranas ng mga sintomas tulad ng rashes fever, headache, muscle aches, back pain at panghihina.
Kaya naman hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa na iwasan ang close, intimate at skin-to-skin contact para hindi mahawa ng sakit.
Ugaliin rin na maghugas palagi ng kamay at kumonsulta sa doctor kung nakararanas ng mga naturang sintomas.
Target din na ilunsad ng DOH ang isang online consulation system para sa mga pasyenteng dinapuan ng mpox sa buong bansa. Hihingi rin umano ng tulong ang ahensiya sa Philippine Dermatological Society upang maiset-up ang website na gagamitin sa pagkonsulta ng mga apektado ng virus.
Tinitignan din ng DOH na hingin ang tulong ng mga eksperto mula sa PH Society for Microbiology and Infectious Diseases at Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines para gawing mas accessible ang screening, testing at referral ng mpox patients.
Inatasan din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Local Governement Units na pangunahan ang pangmalakasang information campaign tulad ng Mpox at iba pang karamdaman.

