unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

DOH: ‘SUPER FLU’ NORMAL LANG SA PANAHON NG TRANGKASO; MAARING TUMAGAL HANGGANG PEBRERO

Posted by philpiccio | Jan 20, 2026 | 0

DOH: ‘SUPER FLU’ NORMAL LANG SA PANAHON NG TRANGKASO; MAARING TUMAGAL HANGGANG PEBRERO

Sinabi ng Department of Health o DOH na hindi dapat ikabahala ang tinatawag na “super flu” dahil ang mga kaso nito ay nananatili sa normal o inaasahang bilang tuwing panahon ng trangkaso. Wala rin umanong nakikitang pagdami ng malulubhang sakit sa paghinga na dulot nito.

Nilinaw ni DOH spokesperson Assistant Secretary Dr. Albert Domingo na ang 63 kaso na naitala noong 2025 ay hindi biglaan o mabilisang pagtaas, kundi kabuuang bilang para sa buong taon. Dagdag pa niya, ang mga sakit na may kinalaman sa influenza ay tumaas lang ng 1 percent kumpara noong nakaraang taon kaya hindi ito malaking pagbabago.

Ayon sa DOH, ang “super flu” ay hindi bagong sakit. Isa lamang itong variant ng Influenza A na tinatawag na Subclade K sa ilalim ng H3N2 lineage.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang sintomas nito ay kapareho pa rin ng ordinaryong trangkaso tulad ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng katawan. Ang pinagkaiba lamang umano nito ay mas mabilis itong makahawa, ngunit kadalasan ay banayad lang ang sakit at hindi na kailangan maospital.

Tiniyak din ng DOH na wala pang datos na nagpapakita na ang variant na ito ay nagdudulot ng pagdami ng pneumonia o iba pang malulubhang sakit sa paghinga. Batay sa datos ng DOH, may 24,091 kaso ng severe acute respiratory infection (SARI) sa 2025 hanggang Disyembre 27 at 14 lamang dito ang may kaugnayan sa Subclade K o 0.06%.

Dagdag pa ng DOH, mas maraming SARI cases ang dulot ng ibang viruses tulad ng rhinovirus at respiratory syncytial virus, at ang influenza ay ikaapat lamang sa mga sanhi.

Samantala, ayon kay infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante, maaaring magtagal hanggang Pebrero ang “super flu” na nararanasan ng maraming Pilipino ngayon. Paliwanag niya, ang Subclade K ay kapareho lang ng ibang trangkaso pagdating sa sintomas at tagal na maaaring tumagal ng mahigit 10 araw hanggang 2 linggo, lalo na kung tuloy-tuloy pa rin ang trabaho at hindi nakakapagpahinga.

Ayon sa World Health Organization, ang Subclade K ay nakaapekto na sa 34 bansa kabilang ang Pilipinas sa loob ng anim na buwan. May naitalang 283 kaso ng Influenza A sa bansa mula Enero hanggang Oktubre 2025 at sa genetic sequence ay may mahigit 50 A(H3N2) kung saan pito sa bawat 10 sample nito ang kabilang sa Subclade K, na may siyam na mutasyon kumpara sa naunang strain.

Tiniyak naman ng DOH na ang kasalukuyang flu vaccine ay epektibo pa rin laban sa Subclade K base sa gabay ng WHO. Ayon din kay Solante, mas may posibilidad na maospital ang ilan sa ibang bansa lalo na kung hindi nabakunahan, kaya pinayuhan ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mainam magpabakuna ang mga bata at senior citizens, habang pinaalalahanan naman ang publiko na sundin ang basic precautions gaya ng paghuhugas ng kamay, pagpapahinga kapag may nararamdaman, pagsusuot ng face mask kapag lalabas at pagkain ng prutas at gulay para lumakas ang resistensya.

Share:

PreviousHAIPHONG TYPHOON 1881: Ang Storm Surge na Kumitil ng Libo-libong Buhay noong Oktubre 8, 1881
NextEDNA’S CAKELAND: MULA SA MALIIT NA BAKERY, LUMAGO SA SIKAT NA BILIHAN NG ABOT-KAYANG CAKES AT PASTRIES

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MALACAÑANG: PRIMEWATER MANANAGOT KUNG MAPATUTUNAYANG MAY PAGKUKULANG SA SERBISYO

MALACAÑANG: PRIMEWATER MANANAGOT KUNG MAPATUTUNAYANG MAY PAGKUKULANG SA SERBISYO

December 20, 2025

MAHIGIT 400 SCHOLARS, MAKIKINABANG SA INILAANG HALOS P1-B PONDO NG DBM SA PROGRAMANG “DOKTOR PARA SA BAYAN”

MAHIGIT 400 SCHOLARS, MAKIKINABANG SA INILAANG HALOS P1-B PONDO NG DBM SA PROGRAMANG “DOKTOR PARA SA BAYAN”

November 1, 2025

MDSW, patuloy sa pagsagip sa mga batang palaboy

MDSW, patuloy sa pagsagip sa mga batang palaboy

February 22, 2018

EDUKASYON, NANANATILI UMANONG PANGUNAHING PRIYORIDAD SA P6.32T NATIONAL BUDGET

EDUKASYON, NANANATILI UMANONG PANGUNAHING PRIYORIDAD SA P6.32T NATIONAL BUDGET

January 5, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .