DOH, VAT EXEMPTION SA 15 GAMOT PARA SA CANCER, CHOLESTEROL, HYPERTENSION, MENTAL ILLNESS, EPEKTIBO NA

Epektibo na simula noong August 27, 2024 ang VAT exemption para sa 15 na dagdag n agamot laban sa caner, high cholesterol, hypertension at mental illness alinsunod sa inisyu ng Revenue Memorandum Circular No.93-2024 ng Bureau of Internal Revenue o BIR.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang circular ay bilang tugon sa updated list ng VAT-Exempt Products mula sa Food and Drug Administration of FDA sa ilalim ng Republic Act NO. 10963 o TRAIN Law at RA 11534 o CREATE Law.

Sa pagtanggal ng VAT, agad itong magmumura dahil mababawasan ng 12% ang presyo nito na sa VAT napupunta.

Ilan sa mga gamot na walang buwis para sa cancer ay ang Avelumab, Acalabrutinib, Olaparib, at Trastuzumab, sa high cholesterol ay ang Rosuvastatin, sa hypertension ay Olmesartan medoxomil, Perindopril, Indapamide + Amlodipine at para naman sa mental illness ay Sodium Valproate, at Valproic Acid.

Dagdag pa ni Lumagui na bahagi rin ito ng hakbang ng ahensya para suportahan ang pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mas abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at gamot.