DOST, HUMILING NG PONDO PARA SA PAGTATAYO NG VIROLOGY AND VACCINE INSTITUTE OF THE PHILIPPINES
Nagpahayag ng matinding suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) building bilang pagkilala sa kahalagahan ng paghahanda para sa tinaguriang The Big One, at isa pang posibleng pandemya.
Tugon ito ng pangulo sa hiling na pondo ng Department of Science and Technology (DOST) para maiwasan ang pagkaantala at pagkasira ng istruktura ng VIP Administration Building.
Sa ginanap na pulong noong Miyerkules kung saan tinalakay ang 2025 budget ng DOST, binanggit ni Secretary Renato Solidum Jr. na walang inilaang budget para sa VIP, batay sa 2025 national expenditure program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nangako si Pangulong Marcos na gagawa ang gobyerno ng mga paraan upang makakuha ng pondo.
Tiniyak ni Solidum na ang VIP ay hindi limitado sa mga alalahanin sa kalusugan ng tao, dahil tutugunan din ang mga virus na nakakaapekto sa kalusugan ng hayop at halaman.
Sinabi niya sa Pangulo na ang VIP ay nangangailangan ng P680 milyon para ituloy ang mga plano nito kabilang ang pagbuo ng mga bakuna para sa tao, hayop at halaman.
Ang VIP ay inaasahang maging pundasyon ng bansa para sa pananaliksik at pagbabago sa mga virus ng tao, hayop at halaman.
Nueva Ecija, TV48 Station, News, Balitang Unang Sigaw,

