BABALA: SENSITIBONG BALITA
DRIVER NG TRUCK, TIKLO SA UMANO’Y PAGNANAKAW SA SAN LEONARDO
Arestado ang isang truck driver dahil umano sa pagnanakaw ng dalawang baterya, jack, gulong, rim at dalawang liyabe sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija.
Kinilala ang 27-anyos na suspek, residente ng Bgy. Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija.
Base sa report ng pulisya, October 23, 2023 nang dakipin ang driver para sa qualified theft na isinampa ni Jessie Bal Jr. ng Bgy. Concepcion, General Tinio.
Tinatayang nasa P49,000 ang halaga ng mga ninakaw ng suspek.

