DRIVER’S LICENSE PLASTIC CARD, PWEDE NA KUNIN SA NUEVA ECIJA LICENSING CENTER LTO CABANATUAN

Inanunsyo ng Nueva Ecija Licensing Center LTO Cabanatuan City na maaari nang makuha ng mga motoristang may papel na driver’s license ang kanilang mga physical card o driver’s license na may plastic card, na nag transact mula noong April 2023 hanggang ngayon.

Dalhin lamang ang inyong mga official receipt sa kanilang tanggapan sa LTO Cabanatuan mula 8am to 5pm sa Emilio Vergara highway Sumacab Este.

Ayon kay LTO Cabanatuan Chief Sherwin Mark Donesa lahat ng nag renew o kumuha ng bagong lisensiya na hindi na isyuhan ng ID card sa kanilang tanggapan sa LTO Cabanatuan ay pwede nang makuha ang kanilang mga card.

Dagdag pa ni Donesa na wala na umanong babayaran ang mga kukuha ng kanilang ID Card kahit kanino dahil ito ay kanila nang nabayaran noong sila ay kumuha ng kanilang driver’s license.

Payo pa nito na mas mainam na umanong kumuha ng kanilang mga ID card sa mga araw na hindi dagsa ang mga tao sa LTO kapag araw ng Lunes at Biyernes, mas mainam umano na sa mga araw ng Martes, Miyerkules at Huwebes para maiwasang magtagal.

Base sa Nueva Ecija Licensing Center, ang dating backlog nila sa kakulangan ng ID card ay umabot ng halos 30,000 last year, pero ngayon ay kanilang ipinagmamalaki na ito ay halos nasa 13,000 na lamang at inaasahang wala nang magiging backlog dahil sa ngayon ang mga cards ay sapat sa lahat ng mga LTO licensing office sa buong bansa para sa mga nag-aaply ng kanilang mga driver’s license.