DSWD, PATULOY NA NAMAMAHAGI NG FAMILY FOOD PACKS SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG NIKA, OFEL AT PEPITO

Patuloy na namamahagi ng Family Food Packs ang Department of Social and Welfare Development sa mga naapektuhan ng mga sunud-sunod na bagyong Nika, Ofel at Pepito.

Base sa ulat ng DSWD, as of November 17, 2024, nakapaghanda na ng halos 520,000 FFPs sa Region 1 na mayroong 77,793, sa Region 2 ay 18,257, Region 3 ay 83,074, CARAGA Region ay 54,393, CALABARZON ay 54,927, Region 5 ay 129,921 at sa Region 8 ay nasa 101,298.

Tinatayang umaabot sa mahigit 600,000 na mamayan ang mga nagsilikas at nagbakwit sa kanilang mga tahanan habang nasa halos kalahating bilyong piso naman ang naging pinsala sa agrikultura at imprastraktura ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ang pinagsamang epekto ng tatlong magkakasunod na bagyo ay nagdulot ng malubhang pinsala mga rehiyon ng Central Luzon, Cordillera at Cagayan Valley.

Dahil dito, isinailalim sa state of calamity ang walong lugar sa Cagayan Valley, dalawa mula sa Cordillera at isa mula sa Central Luzon.

Tiniyak naman ng DSWD na patuloy ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga nangangailan lalo na sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng mga bagyo sa bansa.