DTI, PINAKIKILOS PARA SAKLOLOHAN ANG HIGIT 300K MANGGAGAWA NA POSIBLENG MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA ONLINE SELLING

Pinasasaklolohan ni House Deputy Majority Leader Representative Erwin Tulfo ang mga ahesiya ng pamahalaan partikular ang Department of Trade and Industry na maproteksyunan ang mahigit 300,000 na manggagawa na posibleng mawalan ng trabaho dahil sa online selling.

Sinabi ni Tulfo na kung patuloy na malulugi ang mga local manufacturer sa bansa dahil sa mga ibinebentang mga produkto na galing sa China na walang kaukulang papeles gamit ang mga online platform ay nanganaganib umano na magsara ang mga kompanya.

Tugon naman ng DTI na hindi sila tumitigil para pigilin ang pagpasok ng mga produkto na hindi dumadaan sa kanilang ahensiya o sa regulasyon ng pamahalaan.

Dahil sa talamanak na ang pagsulpot ng produkto sa online, nagkasundo sina Rep. Fergenel Biron at Representative Erwin Tulfo na dapat ay taasan ang parusa sa mga lalabag sa Internet Transaction Act.

Iminungkahi rin ni Biron na kinakailangang pag-aralan ng pamahalaan kung paano mahahabol ang mga lumalabag sa naturang batas na karamihan ay nakabase sa ibang bansa partikular sa China.