DUBAI INSPIRED PASYALAN SA TALAVERA, NUEVA ECIJA

Isa ka rin ba sa naghahanap ng pasyalan na talaga namang pang-world class? Mga pagkaing tatakamin hindi lamang ang inyong mga mata kundi bubusugin din ang inyong mga tiyan? Eh ang makijamming sa live bands? O ‘di naman ay mapanood ang sikat na fountain show na makikita lamang sa Dubai? Well, worry no more dahil hindi mo na kailangang lumipad pa sa ibang bansa upang ma-experience ang mga ito dahil matatagpuan na ito along the highway ng San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Silipin ang pinagmamalaking dubai inspired na pasyalan na siyang dinarayo at binabalik-balikan. Ako si Jhenna Lyn Mangapot, halina’t Samahan niyo akong libutin at alamin ang kwento sa ekta-ektaryang lupain ni Boss Brando.

Salaysay ng manager, isang malaking bakanteng lote ito na ginawa upang maging pahingahan ng asawa ni Boss Brando na si Madam Joann sa tuwing hanap nito ay katahimikan at marelax. Dagdag pa rito, talagang Dubai Inspired ang naging main inspiration ng pasyalang ito.

Ayon pa sa pahayag ng manager ng Jab’s, mayroong nagsuggest na gawing business ito kung kaya naman nagsoft opening ang Jab’s sa publiko noong nakaraang taon. Café at ang kanilang Bar and Grill pa lang ang mayroon noon ngunit nakitaan na nila ng potensyal dahil mula sa 350 target customers ay umabot sila ng libo-libo. Opisyal namang binuksan ang fountain show noong May bilang pagdiriwang ng Father’s Day na may temang Sarimanok dahil bukod sa makasaysayang ibon ng mga Maranao people ay naging inspirasyon din ang kanilang unang negosyo na may kinalaman din sa manok.

Hindi lamang ang Sarimanok dancing fountain show ang maaaring puntahan, maaari rin maglakad sa gitna ng daan-daang palm trees na matatagpuan lamang sa middle east.

Binabalik-balikan ang pasyalang ito hindi lang dahil sa kanilang pagkain, kundi dahil sa maganda at nakakarelax na vibes at ambiance ng lugar maski rin ang maganda at maayos nilang service just to feel at home ang kanilang mga customers. Kaya sa mga nagbabalak na pumunta ng Jab’s Café ay bukas sila mula 11 am onwards. Mayroong 350 pesos na entrance fee na kung saan ang 250 ay consumble sa foods and drinks. Ang kanilang Café naman ay bukas mula 11 am hanggang alas-12 ng hatinggabi. Ang Lotus Restaurant nila ay bukas mula 4:30 ng hapon hanggang 3 am, sinisimulan naman ang live band pagsapit ng 6:30 pm habang maeenjoy naman ang fountain show sa gabi lalo na kapag marami ng mga tao ang naghihintay para sa palabas. Ayon sa manager patuloy pa nilang pinalalaki at iniimprove ang Jab’s kung kaya abangan pa ang kanilangan mga idadagdag sa pasyalang ito.

Talaga nga namang pagdating sa relaxation at paga-unwind hindi pahuhuli ang mga Pilipino. Ika nga, “unleash the fun at Jab’s Park, where adventure meets excitement.” Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Tara na sa Jab’s Café. Damhin ang world class pasyalan dito sa Talavera, Nueva Ecija.