Inanusyo ni Senador Bong Revilla ang kasalukuyang naka proseso na pagbabago sa Senior Citizen Act upang mapababa ang edad ng pagiging Senior Citizen sa 56 mula sa edad na 60.

Ito ay inihayag ng Senador sa kaniyang dinaluhan na Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Distribution sa bayan ng San Isidro Nueva Ejica noong April 11, 2024.

Aniya, kasalukuyang nasa Senate Committee Level ang isinusulong na batas upang mapag usapan at mapag-aralan ito nang mabuti.

Kung babasahin ang Republic Act No. 9994 o kilala bilang “Expanded Senior Citizen Act” nakasaad dito na ang edad 60 pataas ang itinuturing na Senior Citizen.

Pero kung sakaling maisabatas ang panukala, ang mga edad 56 ay maaaring makatanggap ng 10% discount samatalang mananatili naman sa 20% discount ang mga edad 60 pataas.

Ito aniya ay para mabigyan ng benepisyo nang maaga at mapakinabangan sa kanilang pagreretiro.

Matatandaan na ang Senador din ang nagsulong sa Senado ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na nilagdaan na ni Pangulong Marcos kung saan hindi lamang ang mga edad 100 ang makatatanggap ng pinansiyal na incentive mula sa gobyerno.

Sa nasabing batas, ang mga aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 ay tatanggap ng ₱10,000 habang ang edad 100 ay makatatanggap naman ng ₱100,000.