unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

EDNA’S CAKELAND: MULA SA MALIIT NA BAKERY, LUMAGO SA SIKAT NA BILIHAN NG ABOT-KAYANG CAKES AT PASTRIES

Posted by philpiccio | Jan 20, 2026 | 0

EDNA’S CAKELAND: MULA SA MALIIT NA BAKERY, LUMAGO SA SIKAT NA BILIHAN NG ABOT-KAYANG CAKES AT PASTRIES

Patuloy na pinatutunayan ng Edna’s Cakeland ang tibay at kalidad nito bilang isang homegrown bakery na minahal ng mga Pilipino sa loob ng maraming taon. Mula sa pagiging isang maliit na panaderya, at unti-unting lumago na ngayon ay mayroon na silang 11-branches na matatagpuan sa Cabanatuan City at Pampanga.

Ayon kay Jayson Arenas, Human Resource ng Edna’s Cakeland, mahalaga sa kanila ang tamang timpla ng lasa at hindi labis ang tamis, upang maging mas angkop sa panlasa ng mga health-conscious na customer.

Patuloy na dinarayo ng mga mamimili ang Edna’s Cakeland dahil sa lawak ng pagpipilian nitong cakes na nagre-range lamang mula P350 hanggang P1,000 depende sa laki; P55 naman hanggang P420 ang kanilang iba’t ibang klase ng pastries, at baked goods na swak sa panlasa ng lahat. Tampok sa kanilang mga tindahan ang maayos na food displays ng brownies na mabibili sa halagang P55 per bar; P360 naman ang per box ng cheese rolls; P420 per box ng kanilang yema roll ube roll mix; P180 naman ang bawat pack ng kanilang spanish roll; P310 sa bawat box ng mamon taisan; at iba’t ibang specialty cakes na abot-kaya ang presyo.

Dagdag pa rito, patok din ang kanilang All-Day Breakfast at ready-to-go meals, na nagbibigay-ginhawa sa mga abalang customer. Ayon kay Arenas, mahalaga ang consistency ng lasa, kalidad ng produkto, at kalinisan ng tindahan, kasabay ng malaking papel na ginagampanan ng magiliw at maaasahang staff sa pagbibigay ng positibong karanasan sa bawat customer.

Usap-usap ngayon sa social media at paborito ng mga suki ang bagong handog ng Edna’s Cakeland na Pistachio Royale Chocolate Kataifi Cake, na pinagsasama ang rich chocolate at malinamnam na pistachio sauce, na swak sa iba’t ibang okasyon.

Sa pangunguna ng may-ari na si Gng. Edna Gonzales, patuloy na nagiging bahagi ng mga selebrasyon ng maraming Pilipino ang kanilang mga produkto gaya ng Ube Blush, Strawberry Shortcake, at Double Chocolate Cake.

Sa patuloy na paglago ng Edna’s Cakeland, nananatili ang layunin nitong maging kaagapay ng bawat pamilyang Pilipino, mula sa simpleng araw-araw na kainan hanggang sa mahahalagang selebrasyon. Sa kombinasyon ng masarap na produkto, maayos na serbisyo, at pusong Pilipino, patuloy nitong pinapatibay ang lugar nito sa puso at mesa ng mga mamimili.

Share:

PreviousDOH: ‘SUPER FLU’ NORMAL LANG SA PANAHON NG TRANGKASO; MAARING TUMAGAL HANGGANG PEBRERO
NextKABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA SA DIPACULAO, AURORA, PALALAKASIN NG P300K LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA DSWD

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NOVO ECIJANO VISUAL ARTISTS, NAGSAMA-SAMA SA ISANG EXHIBIT

NOVO ECIJANO VISUAL ARTISTS, NAGSAMA-SAMA SA ISANG EXHIBIT

October 5, 2023

ALLYSTER ROI SALVATIERRA, ISINALBA ANG SAN LEONARDO LABAN SA SAN ISIDRO

ALLYSTER ROI SALVATIERRA, ISINALBA ANG SAN LEONARDO LABAN SA SAN ISIDRO

August 5, 2015

PWDs SA GUIMBA, NABIGYAN NG BAGONG PAG-ASA SA MUSHROOM LIVELIHOOD PROJECT NG KAPITOLYO

PWDs SA GUIMBA, NABIGYAN NG BAGONG PAG-ASA SA MUSHROOM LIVELIHOOD PROJECT NG KAPITOLYO

November 11, 2025

PARAAN UPANG MAPALAKING MASIYAHAN ANG MGA ANAK, ALAMIN SA BEAUTY AND HEALTH TIPS WITH MAAM STAR RODRIGUEZ-PICCIO

PARAAN UPANG MAPALAKING MASIYAHAN ANG MGA ANAK, ALAMIN SA BEAUTY AND HEALTH TIPS WITH MAAM STAR RODRIGUEZ-PICCIO

January 14, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .