EDUKASYON, NANANATILI UMANONG PANGUNAHING PRIYORIDAD SA P6.32T NATIONAL BUDGET
Nakuha pa rin ng sektor ng edukasyon ang malaking bahagi ng alokasyon ng gobyerno na PhP6.326 trilyong 2025 pambansang badyet na nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Lunes December 30, 2024.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na direkta niyang bineto ang mga probisyon na hindi tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Paliwanag niya, ang pagpapatupad ng kondisyon sa ilang mga bagay ay itinuloy din upang matiyak na ang mga pampublikong pondo ay ginagamit ayon sa mga awtorisadong layunin.
Bineto ng Pangulo ang PhP194 bilyong halaga ng mga proyekto na aniya ay ‘inconsistent’ sa mga nakaprogramang prayoridad ng administrasyon.
Kabilang sa mga binigyan ng direktang veto ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management ay kinabibilangan ng ilan sa mga programa at proyekto ng DPWH na kinlasipika sa ilalim ng ‘Unprogrammed Appropriations’.
Sa pag-veto ng PhP26.06 bilyong programa ng DPWH, sinabi ng Pangulo na hindi ito naaayon sa programang pang-imprastraktura ng gobyerno.
Samantala, ang pagsasaalang-alang umano sa Unprogrammed Appropriations, dapat tandaan na ang paggasta ay dapat na nakapaloob sa parameter o sukatan ng programmed resources ng mga fiscal planner.

