ELEKSYON SA NUEVA ECIJA, TINIYAK NG KAPULISAN NA MAGIGING PAYAPA AT MAAYOS
Tiniyak ni PCOL Ferdinand D. Germino, Nueva Ecija Provincial Police Director na mapayapa at maayos ang magiging halalan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran ng Commission on Elections (Comelec) at dagdag na puwersa ng kapulisan sa ginanap na Media Forum 2025 ng Nueva Ecija Press Club Incorporated.
Kasunod ito ng inilabas ng Comelec na listahan ng election hotspots para sa 2025 midterm elections na inupdate noong March 19, 2025.
Sa buong Nueva Ecija, tanging ang bayan ng San Antonio ang napabilang sa orange category ng election areas of concern.
Dahil umano sa presensya ng isang Private Armed Group sa lugar, na nagbunsod ng pangamba sa seguridad bago ang halalan.
Ngunit, sa pinakabagong ulat, isinuko na umano ng nasabing grupo ang kanilang mga armas sa Police Regional Office 3-Central Luzon.
Kaya umaasa ang lokal na pamahalaan ng San Antonio na maaalis na ang kanilang bayan sa listahan ng election hotspots, lalo na dahil unopposed o walang kalaban ang mga kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde.
Samantala, pitong lugar pa sa Nueva Ecija ang napabilang naman sa yellow category ng election areas of concern na may posibleng banta sa seguridad, alinsunod sa itinakdang criteria ng Comelec.
Ito ay ang bayan ng Aliaga, Cabanatuan City, Cabiao, Lupao, Gapan City, Jaen, at San Leonardo.

