BABALA! SENSITIBONG BALITA:
EMPLEYADO NG SANGLAAN SA TALAVERA, ARESTADO SA PANG-UUMIT
Inaresto ng mga awtoridad ang isang empleyado ng 7MM Pawnshop and Money Changer dahil sa pang-uumit sa Barangay Marcos, Talavera, Nueva Ecija.
Kinilala ang ang suspek na isang 25-year-old na babaeng office assistant.
Base sa report ng PIO-NEPPO, 4:45 ng hapon noong October 8, 2024, nadiskubre ng appraiser ng sanglaan na kulang ng Php 23,500.00 ang kinita nila para sa buong araw nang mag-audit siya.
Nang tanungin umano niya ang kanilang assistant ay kaagad naman itong umamin na nagnakaw ito ng pera at tinrasfer sa Gcash.

