unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

EXCISE TAX SA LANGIS POSIBLENG SUSPINDIHIN!

Posted by philpiccio | Mar 12, 2026 | 0

EXCISE TAX SA LANGIS POSIBLENG SUSPINDIHIN!

Kumikilos na ang Senado upang mabigyan ng ginhawa ang mga pamilyang Pilipino sa gitna ng mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito’y matapos lumampas sa $100 bawat bariles ang Dubai crude.

Inaprubahan na “in principle” ng Senate Committees on Energy at Ways and Means ang mga panukalang magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihang suspendihin o bawasan ang excise tax sa petroleum products sa panahon ng economic emergencies at krisis sa presyo ng langis.

Pangunahing tinatalakay ang Senate Bill 1923 na naglalayong amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997. Ito’y upang mabigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na kumilos kapag ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market ay nagbabanta na sa presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ang naturang panukala ay inihain ni Senador Bam Aquino upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ipinaliwanag ng senador na ang dating probisyon sa TRAIN Law na naglalaman ng “automatic suspension” ng excise tax ay matagal nang expired.

Naniniwala rin ang senador na kailangang kumilos agad ang Kongreso dahil hindi umano instant ang proseso ng paggawa ng batas.

Tinatayang aabot sa mahigit ₱130 bilyon ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno kung tuluyang sususpindehin ang excise tax sa langis. Gayunman, iginiit ni Aquino na mas malaking problema ang trilyong pisong nawawala dahil sa korapsyon.

Bukod sa pagsuspinde ng excise tax, isinusulong din ng senador ang direct subsidies para sa mga transport workers at delivery workers na direktang naapektuhan ng mataas na presyo ng langis.

Samantala, naghihintay naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinal na committee report mula sa Kongreso bago ideklarang urgent ang panukala.

Anang pangulo maaari itong magsilbing “precautionary tool” upang maprotektahan ang ekonomiya at kabuhayan ng mga Pilipino.

Share:

PreviousLIBRENG SERBISYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, TAMPOK SA WOMEN’S MONTH CELEBRATION SA TALAVERA
NextP5,000 fuel subsidy, Tulong sa Tricycle at Jeepney Drivers Simula Marso 17

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

TATTOO NA KITA SA UNIPORME NG MGA PULIS PINABUBURA NG PNP, BAWAL NANG DAGDAGAN

TATTOO NA KITA SA UNIPORME NG MGA PULIS PINABUBURA NG PNP, BAWAL NANG DAGDAGAN

April 26, 2024

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, HALOS WALANG PAGGALAW NGAYONG LINGGO

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, HALOS WALANG PAGGALAW NGAYONG LINGGO

December 20, 2023

44 nasawi 26 sugatan, sa bakbakan ng BIFF

44 nasawi 26 sugatan, sa bakbakan ng BIFF

March 12, 2018

PAYOUT NG MAHIGIT 700K BENEPISYARYO NG 4Ps, BALIK PROSESO NA NGAYONG NOBYEMBRE

PAYOUT NG MAHIGIT 700K BENEPISYARYO NG 4Ps, BALIK PROSESO NA NGAYONG NOBYEMBRE

November 23, 2023

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .