‘’FASHION TIPS SA TAMANG PAGPILI NG DAMIT”
Hi mga mars, it’s me again Star Rodriguez-Piccio para sa ating Beauty, Health at iba pang Tips. Today let’s talk about fashion tips para magpa level-up ang ating pananamit.
Gusto nating lahat na maging maayos at malinis tayong tingnan, gusto din nating matuto kung paano magdamit ng maayos at komportable.
Narito ang anim na tips na dapat mong malaman para sa ikagaganda ng istilo mo sa pananamit, mula sa website na Quora isang question-and-answer platform na nagbibigay-daan sa mga user na makipag-usap sa mga eksperto sa kanilang larangan.
- Dress for your body type- Alamin ang hugis ng iyong katawan at pumili ng damit na babagay dito. Halimbawa, magsuot ng mga damit na nagha-highlight sa magandang bahagi ng iyong katawan at tinatakpan ang mga parte kung saan hindi ka masyadong confident.
- Color coordination- dapat matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa koordinasyon ng kulay. Ang mga neutral tulad ng itim, puti, kulay abo, at navy ay maaaring ipares sa mas matapang na kulay para sa polished na hitsura.
- Know your style- Unawain ang iyong mga personal na kagustuhan sa istilo, ito man ay classic, bohemian, minimalistic, o iba pa. Dapat makita sa iyong istilo ang iyong pesonalidad.
- Accessorize thoughtfully- Ang mga accessory ay maaaring magpaganda ng outfit. Gayunpaman, huwag masyadong maglagay ng accessory. Pumili ng ilang mahahalagang accessory na akma sa iyong hitsura kagaya ng mga bracelet, hikaw, headband, at marami pang iba.
- Grooming matters- Mahalaga ang pag-aayos sa sarili, kabilang ang maayos na buhok, mga kuko, at kalinisan, na mahalagang bahagi ng ikagaganda ng isang outfit
- Comfort is the key- Mahalaga ang istilo,ngunit huwag kang magsusuot ng mga damit na hindi ka komportable.

