FOOD ADVENTURE SA PAPA G’s RAMYEON BAR SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ
Kung naghahanap ka ng exciting foodventures kasama ang iyong the one, na mala-korean vibes ang dating, o kaya naman ay cravings nyo ang noodles, may lugar ako para sa inyo.
May isang lugar na matatagpuan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija, kung saan talaga namang nag-satisfy ng cravings ko! Dito lang ‘yan sa Papa G’s Ramyeon Bar.
Kung isa sa comfort food mo ang Ramyeon maaari kang pumunta sa lugar na ito, puwedeng pwede kang magluto ng sarili mong noodles at ikaw mismo ang pipili kung ano nilalaman ng Ramyeon mo. Marami kang pagpipiliang klase ng mga noodles at side dish kagaya ng fish cake, pork, mushroom at marami pang iba.
Nito lamang Enero ay kabubukas ng Ramyeon Bar na ito, ngunit talaga namang naging Big Hit ito lalo na sa mga taga-Science City of Muñoz, dinadayo din ito ng mga kalapit na bayan kagaya ng mga taga-San Jose City.
Ngunit bago ito naging Ramyeon Bar, naging isa muna itong Mini Korean Grocery store, kung saan dito ka makakabili ng mga paborito mong korean noodles at iba pang sangkap na inilalahok dito. Maaari ding magpadeliver ng pang Samgyupsal o dito mismo bumili.
Kung nais n’yo din ng ganitong Foodventures kasama ang inyong kaibigan, pamilya o kahit pa ang inyong the one, pumunta na kayo sa Papa G’s Ramyeon Bar, sa Sceince City of Muñoz Nueva Ecija.

