FOOD FOR WORK PROGRAM, TULONG SA BAYAN NG GENERAL TINIO PAPAYA NGAYONG PANAHON NG GAWAT

Umabot sa 1,315 benepisyaryo ang nabigyan ng pansamantalang trabaho at pagkain ng Food for Work Program ng DSWD at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa bayan ng General Tinio, Papaya.

Tig-dalawang food box ang natanggap ng bawat isa, katumbas ng kabuuang 2,650 food boxes na nagsilbing kabayaran para sa anim (6) na araw na pagtatrabaho ng mga benepisyaryo sa kani-kanilang mga barangay.

Paglilinis ng mga ilog at kanal para mabawasan kundi man tuluyang maiwasan ang pagbaha ang pinagtuunan ng mga benepisyaryo na binubuo ng mga mahihirap residente ng Gen. Tinio na ang pinagkakakitaan ay pamamasada ng tricycle, porsiyentuhan sa bukid at ilang mga nanay at tatay na walang hanapbuhay.

Ayon kina Konsehal Luther Pajarillaga at ABC Donnabelle Bautista, malaking tulong ang programa para sa kanilang mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na iginagapang lang ang kanilang pang araw-araw na buhay lalo na ngayon na panahon ng gawat.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga benepisyaryo kay Gov. Oyie Umali sa patuloy nitong pagsuporta sa mga mamamayan ng Gen. Tinio, lalo na sa paglalaan ng mga programang pwede silang kumita sa panahon ng pangangailangan.