Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Freedom March 2026, o ang taunang commemorative at educational trek.
Layunin ng aktibidad na gunitain ang mga bayani ng World War II.
Gaganapin ang Freedom March sa February 28, hanggang March 1 at bukas ito para sa lahat.
Libre ang registration gamit ang QR code o official online registration link na makikita sa Facebook Page ng Veterans Bank Freedom March.
Ang Freedom March ay isang makasaysayang lakad sa ruta ng Bataan Death March.
Magsisimula ang martsa sa Kilometer Zero sa Mariveles Park, Bataan.
Dadaan ito sa mga pangunahing checkpoint sa Bataan at Pampanga, kabilang ang Balanga, Abucay, Dinalupihan, at San Fernando.
Magtatapos ang martsa sa Capas National Shrine sa Tarlac.
Ang Freedom March 2026 ay hindi lamang isang lakad, kundi isang panawagan ng pagkakaisa upang alalahanin at parangalan ang sakripisyo ng ating mga bayani.

