FRESH SEAFOODS SA PALENGKE NG CABANATUAN CITY, TAAS-BABA ANG PRESYO
Isa lamang ang pwesto ni Aling Digna sa mga mabibilhan ng iba’t ibang klase ng mga isdang dagat (seafood) Pampublikong Pamilihan, sa Barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City.
Aniya, pagalaw-galaw ang presyo depende sa supply ng mga sariwang isda, pusit, hipon, tahong at iba pa dahil naka-depende ito sa dami o kakulangan ng mga nahuhuli ng ating mga mangignisda sa Dinggalan, Aurora na hinahango at dinadala sa tinatawag na Community Fish Landing Center.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng alimasag at alimango kada/kilo ay nasa P600; P360 naman sa bisugo; ang pampano na dating P350 ngayon ay P360 na; ang salmon belly na dating P400 ngayon ay P450 na.
Habang sa ulo ng salmon na mula sa presyong P160 hanggang P170 ay pumapalo na sa P200; P450 sa pusit Tagalog; P500 naman sa Lapu-Lapu, at ang dating presyo na P470 kada/kilo ng hipon ngayon ay P500 na; P360 sa dalagang lapad na ang dating presyo ay P280 lang, habang ang dating P260 na dalagang bilog ngayon ay P300 na; nasa P140 naman ang kada/kilo ng tahong at talaba; P200 sa tulingan; at ang dating presyo ng bangus na P190 hanggang P200 ngayon ay P240 na.
Bagaman tumaas ang ilang presyo ay masusulit ka naman dahil bukod sa sariwa na ay matataba pa ang mga tindang seafoods ni Aling Digna.

