GABAY SA MATALINONG PAGBOTO

Parating na ang eleksyon, alam mo na ba kung sino ang iboboto mo?
Ating alamin kung sino ang tamang lider para sa atin.

Sa paghahanap ng tamang lider, una ay simulan sa pagsuri ng kanilang track record.

Pangalawa, alamin ang kanilang plataporma.
May mga konkretong plano ba sila para sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan?

At pangatlo, piliin ang mga kandidato na may transparency at accountability.
Dapat ay handa silang ipakita ang kanilang mga plano at tumugon sa mga tanong ng mga tao.

Dahil ang tamang lider ay nakikinig, kikilos, at maglilingkod.
Gamitin ang karapatan bilang kapangyarihan.

Makibahagi sa pagbabago makiisa sa matalinong pagboto.