Isang malaking pagsubok ang dumating sa pamilya ni Ronaldo Franco ng Brgy. Ibabao Bana, Cabanatuan City nang biglang isugod sa ospital ang kanyang asawang si Maritess Franco 42-anyos.

Dahil sa emergency ang naging kalagayan ng kanyang asawa ay dinala nila ito sa pinakamalapit na Nueva Ecija Doctors Hospital kahit wala silang pera.

Na-diagnosed umano si Maritess na may Hypertensive Heart Disease at Intracerebral Haemorrhage kaya kinakailangang maipasok sa ICU kung saan inabot ito ng halos mahigit isang buwan na hindi nagigising at hindi nakakausap dahil na-comatose.

Isa rin sa naging mabigat na alalahanin ni Franco ay ang kanilang bayarin sa ospital na umabot ng mahigit sa 300 thousand pesos.

Hindi niya alam kung saan niya kukunin ang pambayad sa hospital bill dahil tanging pamamasada lamang ng tricycle ang kanyang pinagkakakitaan at kapag minsan ay pa extra extra lamang ito sa pag mamaneho ng sasakyan kung meron nag papa drive sa kanya sa Manila.

Kaya lubos ang kanyang pasasalamat sa pamilya Franco sa Pamahalaang Panlalawigan sa Malasakit at pagkalinga sa kanila sa panahon ng kanilang mabigat na pagsubok sa buhay.

Sa kabila ng Matinding Pagsubok na naranasan ng kanyang Pamilya, hindi umano ito nawalan ng Pag asa, ipinagkatiwala niya sa Panginoong Diyos ang Buhay ng kanyang asawa na hindi naman umano ito binigo sa kanyang mga Panalangin.