Ang daming naghihirap na Pilipino ngayon dahil sa GC taas ng mga bilihin, at napakarami ring mga walang trabaho, pati ang mga negosyo ay apektado. Pero bakit kaya hindi nalang mag-imprenta ang pamahalaan ng maraming pera para ipamigay sa lahat ng tao, lalo na sa mga mahihirap?
Ang pamahalaan ay may kapangyarihan na magpatupad ng economic policy na magdagdag o magtaas ng buwis pero hindi kaya ng pamahalaan na paramihin lamang o mag-imprenta ng maraming pera, dahil ang central bank lang ang may kapangyarihan kung ilang pera ang dapat na paikutin sa takdang panahon.
Pwede naman mag-imprenta ng maraming pera ang Gobyerno, pero hindi ito magiging solusyon para mapalago ang ekonomiya dahil kapag nangyari iyan ay mapipilitan na magtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kung magpi-print ng maraming pera ang Pilipinas malamang wala ng magugutom, wala nang maghihirap, lahat ng gusto nila ay kaya na nilang bilhin, kaya isipin niyo kung halimbawa bibigyan tayo ng gobyerno ng tig 100 milyon saan naman natin dadalhin ang pera natin?
Siguradong ipambibili natin ito ng ating mga pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, tubig at marami pang iba dahil dito ay posibleng magdulot ng scarcity o pagkaubos ng mga resources o supply.
Halimbawa ang kakakulangan ng pinagkukunang yaman upang mapunan ang pangangailangan ng mga tao, kung ang lahat ay may kakayanang bumili ng sako-sakong bigas maaari itong maubos dahil ang supply ng bigas ay hindi naman unlimited.
Kung magkakaroon ng maraming pera ang mga tao, sino pa ang gugustuhing magtatrabaho, magsaka o magtanim ng palay, wala na ring magtatrabaho sa mga kumpanya, wala ng maghahanapbuhay, wala ng magnenegosyo kasi lahat tayo ay maraming pera.
Kapag nangyari ito ay hindi na magiging balanse ang ekonomiya at maaaring bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Tataas ang presyo ng mga bilihin na tinatawag na inflation na maaaring magdulot ng kahirapan at malaking problema ng bansa.
Ang inflation ang unang dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o serbisyo sa ekonomiya dahil sa pagtaas ng mga gastusin sa produksyon nito maaaring tumaas ang presyo ng mga raw material o ingredients na ginagamit.
Halimbawa kung tataas ang presyo ng harina tataas din ang presyo ng tinapay sa baker, kapag tumaas ang presyo ng gasolina ay tataas rin ang pamasahe, kapag nagtataas ang kuryente tataas rin ang renta ng mga nangungupahan, sa madaling salita kapag tumataas ang mga presyo ay lumiliit ang halaga ng pera.
Gaya na lamang sa bansang Zimbabwe, noong mag-imprinta ng maraming pera ang kanilang gobyerno sa halip na yumaman ang mga mamamayan at gumanda ang buhay ay mas lalo pa silang nalugmok sa kahirapan sa pagdagsa ng maraming supply ng pera.
Dumanas din sila ng matinding krisis dahil sa hyperinflation kung saan mabilis ang naging pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa maikling panahon lamang habang patuloy ang pag-imprenta ng pera ng kanilang gobyerno hanggang sa dumating ang araw na sobrang liit na ng halaga ng kanilang pera.
Noong 2015 ang 100 trillion zimbabwe dollar ay nagkakahalaga lamang ng 0.40 US dollar, na sakto lang daw pambili ng tsokolate at dahil dito simula noong 2009 hanggang ngayon ay hindi na nila ginagamit ang kanilang sariling pera sa halip ay gumagamit na lang sila ng mga pera ng ibang bansa gaya ng us dollars at shin yuan
Samantala, sa kasalukuyan ang bansang Venezuela ay dumadanas din ng hyperinflation, sobrang hirap ng buhay ng mga tao doon ngayon ayon sa routers .com dahil nung nakaraang taon ang presyo ng mga bilihin sa doon ay dumudoble sa loob lamang isang buwan.
Ang isang kilong bigas doon ay nagkakahalaga ng dalawang milyong venezuelan bolivar at patuloy pa itong tumataas sa araw-araw, ang kanilang tinapay ay halos nagpe-presyo na ng kulang isang milyon kung iisipin ay mga milyonaryo ang mga tao doon dahil maraming pera yun nga lang kumakalam ang sikmura dahil kaunti lang din naman ang mabibili ng isang milyon.
Ang pag-imprinta ng maraming pera ay maaaring humantong sa hyperinflation crisis at ayaw natin na magaya sa mga bansang ito.

