Nakipagpulong si President Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng multinational internet service giant na Google, kung saan pinuri ng mga ito ang digital transformation agenda ng Pilipinas na nag-udyok sa kanilang kumpanya upang mas palawigin pa ang operasyon sa buong bansa.
Naganap ang pagpupulong matapos ang trilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Kishida Fumio sa White House sa Washington, DC.
Sa hiwalay na meeting kasama ang Global Vice President, Government Affairs and Public Policy ng Google na si Karan Bhatia, ay sinabi nitong humanga sila sa digitalization ng mga serbisyo ng Philippine Government.
Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos sa pagpupulong ang mga plano nito para sa digital transformation ng Pilipinas na makakatulong sa ekonomiya at pamumuhunan ng Google sa bansa.
Tinalakay din ng Pangulo ang kolaborasyon para sa pagpapalawak ng digital skills training sa mga Pilipino, at pinag-usapan din ang mga programa sa cybersecurity at pagtataguyod ng safe digital space.
Sinabi naman ng Google na handa silang tumulong sa pagpapalakas ng cybersecurity at nais din nilang maging bahagi ng digital transformation ng Pilipinas.

