GULAT NA ITSURA NG ESTATWA NG KALABAW, UMAKIT NG ATENSYON MULA SA NETIZENS

Nagviral sa social media ang estatwa ng kalabaw na ito sa isang maliit na bayan sa Sarawak sa Malaysia dahil sa itsura nitong parang nakakita ng mga bagay na hindi niya dapat nakita.

Ibinahagi ng isang Facebook user ang litrato ng estatwa sa pampublikong Facebook group na ‘ASEAN World 24 – Southeast Asia Network’ at sinabing nais malaman ng mga netizen mula sa buong estado kung bakit ganito ang pagkagawa nila dito.

Naging palaisipan sa mga netizen ang ‘tila takot o nagulat na hitsura ng kalabaw, kung saan nanlalaki ang mga mata at nakanganga naman ang bibig nito.

Gayunpaman, masaya ang mga lokal na awtoridad dahil nakuha ng lumang estatwa ang atensyon ng maraming tao.

Matagal na umano itong naitayo sa npampublikong parke sa gitna ng bayan ng Serian at palaging hindi naman napapansin.

Kaya nagulat sila na umakit ng atensyon mula sa mga netizen ang estatwa sa tulong ng social media na nakatulong upang mas lalong makilala ang kanilang lugar.

Dala ng kuryosidad ay dumami ang mga turistang bumibisita at nagpapakuha ng larawan dito.

Ang kalabaw ay madalas ilarawan bilang isang masipag na hayop, at ito rin daw ay sumasagiasg sa masisipag na mamamayan ng Serian sa kabuuan.

Patuloy naman ang paanyaya ng mga namumuno sa lugar sa iba pang mamamayan mula sa iba’t ibang lugar na bisitahin ang bayan at magpakuha ng larawan kasama ang viral trademark na ito.