GULAY BAGUIO CITY, STEADY ANG PRESYO
Nananatili o walang nabago sa presyo ng mga gulay na nanggagaling sa Baguio City. Ito ang napag-alaman kay Aling Tess Olivarez, tindera at biyahera ng gulay Baguio.
Sa Barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City Public Market, ang presyo ng pechay Baguio ay nasa P70.00 ang kada kilo; P60.00 ang sayote at P100.00 ang sa patatas.
Ang bilog na bilog na repolyo ay pumipresyo ng P80.00; P100.00 sa carrot; habang P200.00 naman ang kada kilo sa bokchoy at lettuce;
Samantala, ang namumulang redbell ay nasa P250.00 ang kada kilo; P160.00 sa beans; P200.00 sa brocolli; P250.00 sa green bell; P400.00 sa sitsaro; P80.00 sa pepino at P40.00 sa young corn(per/pack).
Ayon kay Aling Tess, hindi tumaas at hindi rin bumaba ang presyo ng mga gulay na inaangkat nila mula sa Baguio City.
Aniya, posibleng tataas na ang presyo ng gulay sa palengke, itong papadating na tag-ulan.

