GYM NG NEHS, AYAW UMANONG IPAGAMIT; GRADUATION NG JUNIOR HIGH SCHOOL SA ARAULLO UNIVERSITY, GINANAP

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y hindi pagpapahintulot ng Nueva Ecija High School Alumni Association (NEHSAA) na ganapin sa Nueva Ecija High School (NEHS) Gymnasium ang graduation ng mga mag-aaral ng Junior High School.

Ayon kay Head Teacher Annie Macapagal, idinaos noong April 14, 2025 sa Araullo University (AU) ang kanilang Moving up Ceremony, sa halip na sa sariling gymnasium ng NEHS dahil hindi inaprubahan ng NEHSAA ang kahilingan ng Junior High School department na gamitin ang gymnasium ng paaralan.

Noong nag-eensayo aniya ang mga mag-aaral sa Freedom Park ay nag-alangan ang mga magulang na baka doon na rin gaganapin ang Moving up kaya kusang-loob silang nagsabi na magkaroon ng kontribusyon para sa mas maayos na venue.

Ngunit dahil mayroong partnership ang NEHS at AU ay pinahintulutan silang gamitin ang gymnasium nang libre.

Itinanong namin kung sino ba ang nagmamay-ari ng gym at may awtoridad na magpahintulot na magamit ito?