HABAL-HABAL, ISA SA MGA HARI NG KALSADA SA VISAYAS AT MINDANAO
Kung dito sa Cabanatuan City ang hari ng kalsada ay ang mga tricycle dahil sa dami nito kaya tinaguriang ‘Tricycle Capital of the Philippines.
Habang sa Metro Manila ay Angkas, Joyride at Move it naman ang marami na pangunahing transportasyon para makaiwas sa traffic ang mga pasahero.
Pero pagdating naman sa Visayas at Mindanao partikular na sa mga lugar na puro rough road ang daan at kabundukan na hindi kayang pasukin ng mga tricycle at jeep, Habal-Habal o mas kilalang skylab naman ang hari ng kalsada.
Ang Sky Lab ay hango sa disenyo ng Sky Laboratory na unang pinadala ng US sa space, pero para sa mga taga Mindanao ang ibig sabihin ng Sky Lab ay Sakay na love.
Ito ay kadalasang nakikita sa mga probinsya na ginagamit bilang transportasyon kung saan nasa tatlo hanggang 6 pasahero o mahigit pa ang naisasakay sa motorsiklo, na nilalagyan ng piraso ng kahoy na magsisilbing upuan ng mga sakay, at meron ding extension ng upuan sa kaliwa’t kanang mga bahagi para naman sa mga karga o bagahe ng mga pasahero.
Isa rin ang Sky Lab sa mga sinasakyan ng mga estudyante pagpasok sa kanilang mga eskwelahan, dahil tanging habal-habal lamang ang pwedeng masakyan at nakaugalian na nilang transportasyon.
Ang iba naman ginagamit ito sa paghahakot ng kanilang mga produkto para maibaba sa bayan.
Pero ang mas matindi, ang habal-habal ang ginagamit sa paghahakot ng mga troso mula sa taas ng bundok pababa na halos umaabot sa sampung troso ang karga.
Hindi alintana ang bigat ng mga kargang troso, eka nga susuka pero hindi susuko dahil iba ang diskarteng Pinoy. nakuha pang gumawa ng tulay na kahoy at maitawid ang dala-dalang troso.
Naisasakay ng habal-habal ang mga pasahero patungong bundok o sa matataas na lugar na hindi kayang ibiyahe ng tradisyunal na jeepney.
Ang habal-habal ay nakuha umano mula sa mga Japanese na nagdala ng motorsiklo na may sidecar at tinawag na Rikuo noong World War 2.
Only in the Philippines ang may ganitong transportasyon.

