SENSITIBONG BALITA:

HALOS KALAHATING MILYONG ARI-ARIAN NATUPOK SA SUNOG SA CABANATUAN CITY

Umabot sa PHP400,000.00 ang halaga ng napinsala sa nasunog na ancestral house ng pamilya Mesina sa Purok Rhodora, Mayapyap Sur, Cabanatuan City.

Base sa report ng BFP (Bureau of Fire Protection) Cabanatuan, alas nueve ng gabi noong October 25, 2023 nang itawag sa kanilang tanggapan ang insidente.

Pagdating ng mga bumbero ay kaagad na inapula ang apoy at 9:45 ng gabi nang ideklarang fire out na.

Wala namang nasaktan at namatay. Samantala, hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog.