HALOS SAMPONG PISO, IBINABA NG PRESYO NG KARNENG BABOY SA SANGITAN, CABANATUAN CITY

Bahagyang bumaba ang presyo ng karneng baboy, habang tumaas naman ang presyo ng karne ng baka, sa Sangitan Public Market, Barangay San Isidro, Cabanatuan City kumpara noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng karneng baboy ay bumaba ng halos sampung piso ang kada kilo. Php360.00 ang kilo ng laman at Php355.00 naman pag maramihan.

Nasa Php380.00 naman ang kada kilo ng liempo; ribs Php320.00; Php360.00 naman ang kada kilo sa kasim, pork chop, at pigue; Php370.00 naman ang kada kilo ng lomo; at, Php320.00 naman ang maskara o balingit.

Nagtaas naman ng halos bente pesos ang presyo kada kilo sa karne ng baka. Ang dating presyo ng laman na Php383.90, ngayon ay pumapatak na ito sa Php400.00 ang kada kilo; Php200.00 hanggang Php190.00 naman ang kada kilo ng tuwalya o labot; ang balat ng baka ay pumapatak sa Php180.00 ang kada kilo; Php140.00 ang papaitan(tadtad) at Php240.00 naman sa papaitan(special).

Hindi naman natinag ang presyo ng sariwang manok. Nasa Php180.00 ang kada kilo ng manok na isang buo at Php185.00 naman sa choice cut.

Tumumal umano ang benta sa sariwang karne, dito sa Sangitan Public Market simula umano noong mga nakakaraang linggo na tumataas ang presyo ng karneng baboy.

Pero, ayon kay Melissa Bendicacion ng Cha & Sonny Meat Store, inaasahan nila na muling babalik sa normal na dami ang kanilang mga mamimili nitong paparating na mahal na araw o bago mag eleksiyon.

Hindi umano apektado ang mga nagtitinda ng karne sa papalapit ng holy week.