Terorista sa Bondi Beach shooting

Yumanig noong December 2025 sa Australia ang Bondi Beach shooting sa gitna ng Hanukkah celebration sa Sydney. Kumitil ito ng 16 na buhay, kabilang ang isang gunman.

Agad, idineklara ng awtoridad na ito ay isang antisemitic attack na may malinaw na motibong Islamic State ideology.

Naganap ang pag-atake naraw ng Linggo sa Archer Park, malapit sa Bondi Beach Pavilion. Sa panahong iyon, mahigit 1,000 katao ang nagtipon para sa event na “Hanukkah by the Sea.”

Napag-alaman na sa labing-anim na nasawi, ang kanilang mga edad ay nasa 10 hanggang 87. Kabilang ang isang 10-year-old girl, dalawang rabbis, isang Holocaust survivor, French national, Slovak citizen, at isang retired police officer na isang freelance photographer. Bukod pa rito, mahigit 40 ang nasugatan, kabilang ang dalawang police officers.

Islamic State Ideology, Motibo sa Pag-Atake ng Terorista sa Bondi Beach shooting

Kasunod ng imbestigasyon lumabas na dalawang gunmen ang sangkot: ang mag-amang sina Sajid Akram, 50 years old at Naveed Akram, 24-anyos. Habang napatay sa engkuwentro ang ama matapos barilin ng pulis, ang anak naman ay critically injured at dinala sa kustodiya.

Ayon sa New South Wales Police, ito ay isang terrorist attack. Dagdag ni Prime Minister Anthony Albanese na ang motibo ay Islamic State ideology. Kalaunan, natagpuan sa sasakyan ng mga gunman ang dalawang homemade Islamic State flags at mga improvised explosive devices (IEDs).

Bayani sa Gitna ng Terrorismo

Sa kabila ng karahasan, itinanghal na national hero si Ahmed al Ahmed matapos niyang harapin at disarmahan ang isang gunman bago siya barilin. Sa kabutihang-palad, nakaligtas siya, at ang GoFundMe campaign para sa kanya ay umabot sa higit isang milyong Australian dollars.

Tugon ng Gobyerno sa Antesemitism

Sa huli, ito ang pinakamadugong mass shooting sa Australia mula noong 1996 Port Arthur massacre. Bilang tugon, nangako ang gobyerno na paiigtingin pa ang gun laws at tutugunan ang tumitinding antisemitism.

Bunga nito, umagos ang pakikiramay at panawagan para sa community solidarity.

BONDI BEACH SHOOTING, DINEKLARANG TERRORIST ATTACK
Bondi Beach shooting