BABALA! SENSITIBONG BALITA!
HEAD TRANSPLANT O PAGLILIPAT NG ULO NG TAO SA IBANG KATAWAN, PINAG-AARALAN
Posible kayang maililipat ang ulo ng tao sa ibang katawan?Isang makabagong teknolohiya ang pinag-aaralang buuin ngayon para maisagawa ang kauna-unahang head transplant o paglilipat ng ulo ng tao sa ibang katawan.
Inihayag ng kompanyang BrainBridge, isang neuroscience at biomedical engineering startup, ang ambisyosong layunin nitong bumuo ng unang sistema ng paglilipat ng ulo.
Paliwanag ng biotechnologist at science communicator na nakabase sa Dubai na si Hashem Al-Ghaili, ang konsepto ng proyekto ay dalawang katawan ang sabay na isasalang sa operasyon:
Una, ang katawan ng posibleng donor na maaaring brain dead na, at ang katawan ng pasyente na maaaring may malubhang sakit sa katawan gaya ng cancer o neurodegenerative diseases.
Ang ulo ng pasyenteng may problema sa katawan ang ililipat sa katawan ng pasyenteng deklaradong brain dead na. Upang maisagawa ang paglilipat ng ulo at hindi mapapabayaan ang katawan, gagamitan nila ito ng artificial plasma solution upang matiyak ang oxygen supply sa katawan sa pagsasagawa ng transplant.
Ang buong pamamaraan umano ay ginagabayan ng real-time na molecular-level imaging at AI algorithm upang mapadali ang tumpak na muling pagkonekta ng spinal cord, nerves at blood vessels.
Iginiit ni Al-Ghaili na nakabase sa mga lehitimong scientific research ang kanilang konsepto. Posible umanong maisagawa ang kauna-unahang head transplant sa loob ng walong taon.
Dagdag pa ng BrainBridge, sa maikling panahon, inaasahan nila na ang proyekto ay magreresulta sa muling pagtatayo ng spinal cord at paglipat ng buong katawan ngunit sa pangmatagalan, ang proyekto ay lalawak sa mga lugar na magbabago ng pangangalagang pangkalusugan .
Ang isang nakakatakot na video na nagpapakita ng simulation ng isang transplant ng ulo ay gumagawa ng mga ingay sa social media.
Nagpapakita ito ng dalawang autonomous surgical robot na nagsasagawa ng sabay-sabay na operasyon sa dalawang robotic body.
Inalis nila ang ulo mula sa isa at inilipat ito sa isa pang robotic body.
Mukha itong isang eksena na mapapanood mula sa isang pelikula sa Hollywood.

