BABALA! SENSITIBONG BALITA:
HEPE NG PULISYA NA ISINASANGKOT SA SEXUAL HARASSMENT, SINIBAK SA PWESTO
Kinumpirma sa official statement ng Police Regional Office 2 na temporary relieved sa pwesto ang isang Chief of Police sa isang bayan sa Cagayan.
Kasunod ito ng reklamo ng isang policewoman na minanyak umano siya ng lasing na hepe.
Layunin ng pag-alis sa pwesto ng nasabing opisyal na mabigyang daan ang isang patas, maayos at mabilis na imbestigasyon.
Kaugnay nito, itinatag ng Cagayan Police Provincial Office ang Committee on Decorum and Investigation (CODI).
Sa imbestigasyon ay bibigyan din ng pagkakataon ang inireklamong hepe na idepensa ang kanyang sarili.

