High Value Individual Arestado ang isang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga matapos na mahulihan umano ito ng nasa Php373,320 na halaga ng shabu at isang baril sa buy bust operation ng Drug Enforcement Unit ng San Antonio Police Station sa Barangay Poblacion, San Antonio, Nueva Ecija nitong January 29, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na Jayson, 32-taong-gulang at residente ng Barangay 161, Caloocan City na itinuturing ng pulisya bilang high value individual (HVI).
Base sa ulat kay Col. Heryl Bruno, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang operation ay isinagawa bandang alas-4:30 ng umaga.
Matagumpay umanong nakabili ang undercover police ng isang sachet ng shabu mula sa suspek kaya ito inaresto.
Sa “protective search” nakakuha pa umano ang mga operatiba sa suspek ng karagdagang apat na pakete ng shabu na may kabuuang timbang na 54.9 gramo na tinatayang nakakagalaga ng Php373,320 at isang calibre .45 na pistola at mga bala.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at RA10591.
BABALA SENSITIBONG BALITA:




