HIGIT 1,600 CABANATUEÑONG ISKOLAR NG KAPITOLYO NATANGGAP NA ANG STIPEND PARA SA UNANG SEMESTRE NG 2024-2025

Masayang tinanggap ng mga iskolar mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Cabanatuan ang kanilang stipend galing sa pamahalaang panlalawigan para sa First Semester ng school year 2024-2025.

Sa direktiba nina Governor Aurelio “Oyie” M. Umali at Vice Gov. Doc. Anthony M. Umali, ang pamamahagi ng Educational Financial Assistance ay pinangunahan ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Affairs & Monitoring Office (PAMO).

Sa datos ng PTO, nasa isanglibo anim na raan tatlumpu at anim (1,636) ang bilang ng mga iskolar na nakatanggap ng tig-Php2,500 na pantulong para sa kanilang pag-aaral.

Ilan sa aming nakapanayam na nagpapasalamat sa scholarship program sina Chatlene Dela Cruz, at Bailyn Hajia Mondala, kapwa residente ng Barangay Bitas, Cabanatuan City.

Malaking tulong umano ito kay Chatlene dahil wala na ang kanyang ama.