Lindol sa Sultan Kudarat, Nagsimula Noong Enero 19
Umabot na sa higit 2,000 na lindol ang naitala sa Sultan Kudarat ngayong Enero.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagsimula ang mga pagyanig noong Enero 19.
Habang isinusulat ang balitang ito, naitala ang pinakahuling lindol na magnitude 4.7 nitong January 30, alas otso ng umaga.
Sunod-sunod na Lindol, Dulot ng Cotabato Trench
Paliwanag ng PHIVOLCS na ang sunod sunod na lindol ay dulot ng paggalaw sa Cotabato Trench.
Ito ay gradual release ng stress sa ilalim ng lupa.
Gayunman, mababa umano ang tsansa ng mas malakas na lindol.
Wala rin umanong banta ng tsunami sa ngayon.
Klase at Trabaho Suspendido
Dahil dito, suspendido ang klase at trabaho sa buong lalawigan.
Saklaw nito ang lahat ng public at private institutions.
Ayon kay Gobernador Datu Pax Ali Mangudadatu, prayoridad ang kaligtasan.
Mananatili ang suspensiyon hanggang sa susunod na abiso.
Samantala, pinayuhan ang mga residente na manatiling alerto.
Iwasan ang mga sirang gusali at maghanda sa posibleng aftershocks.
Hinihikayat din ang publiko na sumunod sa official advisories.


