HIGIT 500 POGO WORKERS, ARESTADO; 121 NAIPADEPORT NA!
Nakahuli na umano ng 518 at nakapagpa-deport ng 121 dayuhang manggagawa ang Bureau of Immigration (BI), mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) sa loob lamang ng pitong linggo.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval sa press briefing sa MalacaƱang noong February 19, 2025, naaresto ang mga ito simula sa itinakdang deadline noong December 31, 2024, para sa sapilitang pag-alis sa mga dayuhang manggagawa ng POGO at inaasahan pa ang mas maraming deportasyon.
May isa pa aniyang batch ng 150 manggagawang Chinese mula sa POGO na nakatakdang ideport sa susunod na linggo, kapag nailabas na ang kanilang mga travel document at matanggap ang kanilang outbound ticket at clearance.

