HIGIT 600 CHRISTMAS TREE SA ISANG BAHAY, NAKAPAGTALA NG WORLD RECORD

Kumikislap, makukulay at nakamamanghang pasko ang matatagpuan sa likod ng isang karaniwang puting pinto ng isang bahay sa hilagang-kanlurang bayan ng Rinteln sa Alemanya.

Inabot ng pamilya Jeromin ang world record para sa pinakamaraming bilang ng mga dekoradong Christmas Tree na nakalagay sa iisang lugar na may kabuuang anim na raan at lima, base sa kumpirmasyon ng Record Institute for Germany.

Ang tahanan ng mag-asawang Thomas at Susanne ay pinalamutian ng 120,000 dekorasyon, 50,000 ilaw, at libu-libong figurine ng Pasko, kaya’t ang buong lugar ay kumikislap at puno ng kulay.

Ayon kay Thomas, ang proseso ng pagde-dekorasyon ay isang nakakarelaks na karanasan para sa kanila.

Puno ng dekorasyon ang halos buong bahay nila, pati na ang banyo, maliban sa dalawang silid na hindi nila pinapalamutian – ang kanilang kwarto at ang kwarto ng kanilang anak na babae.

Ang pamilya Jeromin ay nagtakda na ng parehong record ng anim na beses mula 2017 hanggang 2021 at muli noong 2023.

Noong nakaraang taon, ang kanilang record ay 555 Christmas Tree, ngunit hindi tumigil ang mag-asawa at nagdesisyon pa ring dagdagan ang bilang ng mga Christmas Tree sa kanilang koleksyon na bumasag sa sarili nilang record.

Buwan ng Setyembre ang pagsisimula ng mag-asawa taun-taon sa paglalagay ng pamaluti sa kanilang tahanan.