BABALA! SENSITIBONG BALITA:

HIGIT PHP1.8-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG MGA PULIS SA BULACAN

Aretado ang tatlong suspek sa matagumpay isinagawang anti-illegal drug operation ng kapulisan sa Barangay Graceville, City of San Jose del Monte, Bulacan noong Disyembre 24, 2024 (Martes).

Kinilala ng City of San Jose del Monte Police ang mga suspek na sina alias “Mamam,” alias “Radj,” at alias “Sonson,” na lahat ay mga residente ng naturang lugar.

Base sa report ng Police Regional Office 3, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 275 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na PHP 1,870,000.00.

Pinuri ni PBGEN REDRICO A MARANAN, Police Regional Director, ang mabilis at maingat na aksyon ng mga operatiba, at sinabing ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan sa pagsugpo ng ilegal na droga sa rehiyon.