HIGIT PHP1-BILYONG SOBRANG BAYAD SA KURYENTE, PINARE-REFUND NG ENERGY REGULATORY COMMISION
Umaabot umano sa PHP 1.18 bilyong piso ang sobrang nakolekta sa mga consumers ng mga private distribution utilities kaya ayon sa Energy Regulatory Commission ( ERC) na dapat itong i-refund o ibalik sa mga consumers.
Ayon sa ERC, noong 2019 ay inutusan nilang mag refund ng one-time ang mga distribution utilities para sa sobrang singil ng mga naunang taon.
Ang refund ngayon ay ipatutupad ng isang buwan para sa lahat ng private distribution utilities maliban sa Clark Electric Distribution Corporation (CEDC) na dalawang buwang magpapatupad ng refund.
Matapos umanong suriin ng ERC ang mga bills ng mga distribution utilities ay tuloy-tuloy pa ring sinasama ng mga ito ang regulatory reset fees na nagkakahalaga ng P0.476 per kilowatt hour hanggang P0.3190 per kWh.
Ito ang mga siningil ng ERC sa kanila nang kumuha ito ng consultants na technical expert para sa regulatory rate reset. Ngunit hindi naman gumastos ang mga distribution utilities para rito dahil wala naman umano silang kinuhang mga technical experts.
Pinakamalaki ang ire-refund ng CEDC na P0.3190 per kWh at pinakamaliit naman ang ire-refund ng VECO na nasa P0.0953 per kWh. Sumunod sa pinakamalaking ipare-refund ay ang sa SEZ na nasa P0.2288 per kWh at pangatlo sa pinakamalaking refund ay ang sa Meralco na P0.2264 per kWh.

